Pag-ibig (Hart Hart)
<------ joke lang yang logo na yan.
Eto talaga yung simula.
Pag-ibig, Ito na marahil ang damdaming pinakapinag-uusapan. Sa mga umpukan, sa mga kwentuhan, di maiiwasang di ito mabanggit man lang. Ang sabi ng iba, pag-ibig daw kasi ang pinakamagandang madarama ng isang tao. Hindi ba’t pambenta ng maraming pelikula ang temang pag-ibig? Di lilipas ang isang buwan na walang naipapalabas na romantic movie, lokal man o Hollywood. Marami kasi sa mga tao ang gustong manood ng mga taong umiibig. Sa telebisyon, ganun din. Hindi nawawalan ng kwentong pag-iibigan ang mga teleserye, mula umaga hanggang gabi. Sa katunayan nyan, talagang tumatatak pa sa isip ng mga manonood ang pinapanood nila.
Marami nang nabanggit na uri ng pag-ibig, nariyan ang infatuation (pakiramdam na idealistic o base sa pantasya lamang kumpara sa nararanasan talaga), romantic love (pag-ibig na ibinibigay sa isang taong nakararamdam ka ng pasyon, atraksyon, pag-aaruga at respeto), eros (pag-ibig na kadalasa’y may sexual involvement), companionate love (pagmamahal sa isang kaibigan na gustong-gusto mong makasama), unconditional love (pagmamahal sa isang tao kahit na gaano pa siya di kamahal-mahal) at conditional love (pag-ibig na may kondisyon).
No comments:
Post a Comment